Nabaligtad na kaso ng Domestic Violence

Q. Ako ay foreigner at kapag mainit ang ulo ng aking asawa ay lagi akong tinutukso.  Noong isang araw ay hindi naman niya ako sinugatan ng matindi subalit sinipa, itinulak sa likod at pinag babato ng bagay.  At kapag ako ay nag reklamo ay pag tatawanan niya ang aking Nihongo.  Unti-unti naubos din ang aking pagtitimpi. Hindi ko sinasadya na nasampal ko siya ng matindi sa mukha, binato ko rin siya ng cup at sinira ko ang kanyang cellular phone (ketai). Minalas ako dahil nagkaroon siya ng mga pasa sa mukha at nag-iwan ito ng marka.  Nakainom siya noon ng tumawag siya ng pulis at binaligtad niya ang mga pangyayari at siya daw ay aking binugbog. Dumating ang mga pulis at sinabi niya na siya ay biktima ng DV (domestic violence).  Nag file din siya ng "letter of complaint", at kumuha din siya ng "medical certificate".

At kanyang ibinigay sa mga pulis.  Ang katotohanan ay madalas niya akong binubugbog.  Pero ang mas pinanigan ng mga pulis na ang aking asawa ay nasugatan.

Ang kasong ito ay nalutas sa pag-uusap (out of court settlement).  Pina-cancell niya ang "letter of complaint" na kanyang sinampa laban sa akin.  First time kong nagawa ito sa kanya.  Ako ay biktima ng Domestic Violence subalit ang naramdaman ko ay hindi nila ako pinapaniwalaan.

A. Alam niya ang iyong kahinaan at ito ang kanyang pang counter-attack o panglaban sa iyo. Ikaw ay kanyang kinokontrol.  Walang duda na talagang masasabing ikaw ay isang biktima. Natural lamang na kasusuklaman mo siya.  Ang panghihirap ng iyong  kalooban at suklam na iyong naramdaman kaya nagawa mo iyan.  Ang nangyari sa iyo ay nabaligtad na kaso ng Domestic Violence at ito ay hindi nakikitang pananakit.  Ang mga pangyayari ay mahirap maunawaan.  Nakalulungkot na kung ang ang kabilang panig ay nasugatan ang pulis ay tutugon dahil ito ay labag sa batas, at ito ay maituturing na isang krimen kahit maliit man o malaki ang pinsala.  Na ang naging kinalabasan ay domestic violence.  Subalit ang totoo ay self defense lamang ang iyong ginawa at ikaw ay kanyang pinuwersa (harassment).  Dahil hindi mo na matagalan ang kanyang ginagawa at pinanglaban niya sa iyo ay tumawag ng pulis at magsampa ng "letter of complaint" at ang ganitong lalaki ay masama talaga ang pag-uugali.  Mag-ingat ka dahil ang iyong asawa ay natutuwa na parang laro lamang sa kanya ito at humahanap talaga ng damay.  Ang kanyang ginagawang pang bubugbog (DV) ay  DV rin ang kanyang pang laban (counter attact) sa iyo. Mas mainam na layuan mo siya.  Kumonsulta ka rin sa supporter ng DV na maiintindihan mabuti ang iyong salaysay.

Kung mayroon ka pang mga katanungan ay maari mo kaming tawagan sa Counseling Center for Women

Free dial: 0120-123-397

Tagalog: Lunes, Martes, Huwebes

Oras: 10:00 ~ 17:00