Fake marriage

Noong isang taon ay halos 1,400 Filipino entertainers ang pumasok dito sa Japan at ang bilang na ito ay bumaba ng 60% kumpara sa kalakasan noong 2004.  Sila ay puwersahang pinagtatrabaho sa mga adult-entertainment business.  Binago ng gobyerno ng Japan ang kanilang patakaran at naging mahigpit din ang eksaminasyon ng permiso sa pagpunta dito.  Subalit ang naging usong pamamaraan ay mga illegal na pagkukunwari bilang mag-asawa "fake marriage" at ito ay dumarami. Ang mga inbestigador sa mga kasong ito ay naniniwalang ito ay isang paraan ng "human trafficking" at sinasamantala nila ng kahirapan ng mga biktima, at ito ay hindi nababawasan.

"Gusto kong suportahan ang bagong panganak kong baby at ang aking pamilya kaya gusto kong mag trabaho sa Japan" Ito ang testimonya ng naarestong Filipina sa Hyogo Prefecture Police sa Kobe District Court kung bakit siya nagpakasal ng peke sa isang Japanese.  Noong siya ay nagtatrabaho bilang isang hostess sa Pilipinas ay nakilala niya ang isang Japanese na broker na kasalukuyan na nasa trial sa parehong kaso noon.  Kaya tinanggap niya na mag pakasal sa Japanese at mag trabaho dito sa Japan. Na ang kundisyon ay may sweldong \80,000 /buwan at ang kontrata ay dalawang taon.

Nang siya ay dumating dito ay agad kinumpiska ang kanyang passport at nagkaroon ng utang sa nagastos sa fake marriage ceremony.  Para mabayan ang kanyang pagkakautang ay binabawasan ng malaki ang kanyang sweldo at ang natitirang cash sa kanya ay \50,000 lamang sa loob ng isang buwan.

Ayon sa mga taong nagsiyasat sa kaso ay maaring ang broker na ito ay nakapag recruit ng dose-dosenang biktima ng "fake marriage" gamit ang ganitong pamamaraan.  Pagpasok nila sa Japan ay magkakautang sila ng malaki at pwersahang pinag tatrabaho ng ilang taon sa mababang sweldo, pinag sasama-sama sila sa isang tirahan at pagkatapos nito saka sila pauuwiin sa kanilang bansa.  Sila ay napariwara dito dahil sa mga broker, subalit sila ay kikita ng malaki kumpara sa kanilang bansa. Kaya sila ay nakabitin sa panganib at ito ang warning ng mga inbestigador na pulis.

 (KOBE SHINBUN 2012/04/16)