DV at Kompensasyon

Q. Ako ay isang __________________nasyonalidad na babae.  Ako ay nakaranas ng pisikal at psychological na pananakit mula sa aking asawang Japanese at namumublema.  Siya ay pinakilala sa akin ng isang kababayan (babae) na nandito sa Japan.  At kami ay nag pakasal subalit napansin ko na siya ay kakaiba (strange).  Siya ay nag divorce ng 3 beses, palipat lipat din siya ng trabaho at hindi ko maipaliwanag na mabuti pero marami siyang iniinom na kung ano-anong gamot.  Paminsan-minsan kapag siya ay nagagalit ay talagang nakakatakot ang kanyang mukha at hindi ko alam kung anong kakila-kilabot ang kanyang gagawin sa akin. Halos isang taon (1 year) pa lang kaming kasal subalit binabalak kong ng makipag divorce sa kanya.

Dahil sa pagpapakasal ko sa kanya ay nag resign ako sa trabaho at pumunta dito sa Japan na naka pinsala sa akin.  At pagkatapos nito ay sinaktan (DV) pa niya ako at talagang matindi apekto sa akin psychologically. Kaya hindi ako papayag kung hindi siya mag babayad ng "kompensasyon". Noong isang buwan ay komunsulta ako tungkol sa batas at sinabihan akong huwag umasang makatatanggap ng "kompensasyon".  Na ang paliwanag ay dahil wala daw akong maipapakitang ibidensya ng kanyang pananakit at dahil din kami ay isang taon pa lamang na mag-asawa.  Hindi ako kumbinsido dito. Hahanap ako ng mahusay na abogado na talagang ipaglalaban makakuha ako ng kumpensasyon.  Kaugnay din dito, sa pinanyal ang asawa ko ay walang matatag na trabaho subalit may mga ari-arian ang kanyang mga magulang, may income sila mula sa mga paupahan.           .

A. Tungkol sa divorce, kung siya ay papayag ay malulutas ninyo ito. Subalit sa iyong kaso ay maaring hindi magiging madali ang paghingi ng kompensasyon. 

Una, sa kaso na kung walang maipakitang ibidensya ng DV, mahirap dahil hindi ito aaminin ng kabilang panig. Sa ngayon ay iyong pinag-iisipan pa ang pakikipag divorce sa kanya, kaya kung sasaktan ka niya ulit ay siguraduhin mong may ibidensya kang magpapatunay gaya ng medical certificate atbp. at itago mo ito. At importante rin na i-record (tape recorder) mo at mayroon kang detalyadong diary at iba pa, ng mga pangyayari. Sa halip na humanap ka ng mahusay na abogado ay mas importanteng gawin mo ito.

Kahit sino ay maaaring humingi ng "kompensasyon" subalit ang problema ay ayon sa mga pangyayari. Ang "kompensasyon" ay ayon sa level ng psychological damage, kapasidad ng pagpagbayad ng kabilang panig (asawa) ,haba ng pag-sasama bilang mag-asawa, pag-papalaki sa isinilang na anak at iba pang bagay na may kaugnayan dito. Sa katunayan ay may mga biktima na naging bigo na pakinggan ang kanilang complain, at hindi nakakuha ng halagang hinihinging "kompensasyon". At ito ay nag-iwan lamang ng malaking sama ng loob sa biktima.  Para hindi mangyari sa iyo ito ay hanggang maari ay mag-handa ka na.

Nakita ko rin na maigsi lamang ang haba ng inyong pag-sasama bilang mag-asawa (1 year.).  At kung iisipin ang "kompensasyon" ay maigsi lang talaga.  At ang isa pang dahilan ay walang permanenteng pinag kakakitaan ang iyong asawa.

Kung ipaglalaban mo ng matagal sa korte na makakuha ng "kompensasyon" at pagkatapos ay lugi ka rin, at ito ay dapat mo rin isipin. Dahil mahal ang bayad sa abogado.  Ang oras at energy na iyong mauubos dito, ay may posibilidad na masayang lamang. Sa kaso mo ay mahirap talaga makakuha ng "kompensasyon" kaya mas makabubuting huwag mo na lang gawin ito.

Kung mayroon ka pang mga katanungan ay maari mo kaming tawagan sa Counseling Center for Women

Free dial: 0120-123-397

Tagalog: Lunes, Martes, Huwebes

Oras: 10:00 ~ 17:00