Domestic Violence (tagalog)

Question:

Ako po ay 30 yrs. old na Filipina.  Ang aking asawa ay Japanese at kami ay may dalawang anak, isang grade three (小学校3年) at grade one sa elementarya (小学校1年).  Taong 2015 nang ako ay naging permanent resident.  Noong pang ipinag bubuntis ko ang aming pangalawang anak ay naloloko na sa ibang babae ang aking asawa.  Kapag kami ay nagkakasagutan ay agad niya akong pagbubuhatan ng kamay.  Tumawag ako ng pulis at siya ay pinagsabihan na ito ay Domestic Violence (DV). Nag pulong kaming mag-anak kasama ang aking mga biyenan at nahinto din ang kanyang pisikal na pananakit sa akin. Subalit pagkatapos naman nito ay hindi na niya ako pinapansin, ginagawa niya akong parang tanga at laging sinasabihan ng masasakit na salita. Ito ay nangyari ng maraming beses. Pinagtiisan ko ang lahat ng ito para sa kapakanan ng aking mga anak dahil kailangan nila ng magulang.  Nagkataon din na naaprubahan noong isang taon ang aking permanent residency.

Nito lamang nakalipas na tatlong buwan ay parati siyang ginagabi ng uwi at halos ay umaga na. Napansin ko na may e-mail na galing sa isang babae.  Tinanong ko siya tungkol dito, sinagot niya ako ng (maingay ka, huwag kang reklamo ng reklamo), (hihiwalayan kita, kaya magtrabaho ka at lumayas dito) at dito natapos ang aming pagtatalo.

Ayaw kong masira ang aming pamilya, subalit ang malamig na pagtrato at masasakit na salita dinaranas ko mula sa kanya, pati na ang kanyang pambababae ay napakabigat at hindi ko na makayanan.  Madalas din akong hindi makatulog sa gabi.

May kaibigan ako na "Single Mother" at pinapayuhan akong humiwalay na lang sa aking asawa.  Ano po ba ngayon ang nararapat kong gawin?

Advice:

Ikaw ay nagsisikap na manirahan dito sa Japan, mabuti at naging permanent resident ka na.  Kung ang status of residence ay permanent, kahit na walang anak ay maaring manirahan ng patuloy dito.  Kagaya mo na nagdurusa sa iyong asawa sa masasamang salita, ugali at abusong sexual (DV) dahil sa kanyang pagkahaling sa ibang babae.  May mga taong nagkakasakit ng "psychological" kapag nanatili pa rin ng matagal sa ganyang sitwasyon.  Ang iyong kalooban ay dapat mong pangalagaan at ito ay mahalaga para sa iyong magandang kinabukasan.  Huwag kang magtiis ng matagal at makabubuting komunsulta ka agad.  Mga masasamang salita at abusadong ugali ang nakikita at naririnig ng iyong mga anak mula sa kanilang ama, at ito ang kanilang natututunan. 

Kung iniisip mong makipag divorce ay ipinapayo namin ang "Legal Consultation".  Ang mga dapat ikonsulta ay ang mga kondisyon kung kayo ay maghihiwalay gaya ng custody ng bata, child support at iba pang mga importanteng bagay.  Bukod dito ay mas mainam na isipin mong mabuti kung ano pa mga dapat mong ipaglaban sa kanya.  Matatagpuan ang tanggapan ng "Hoteras" sa buong bansa.  Kung walang hanap-buhay at maliit lamang ang kinikita ay maaring ikonsulta ang pambayad sa abogado. 

Mahalaga din na komusulta sa Welfare Assistance section sa inyong munisipyo.  Sa Japan ang mga Single Parent at iba pa na mag-isa lamang bumubuhay sa pamilya na may suliranin pinansyal ay kanilang tinutulungan.

Kung hihiling sa Family Court ng "Mediation" para sa divorce ay kailangan na magkahiwalay ng tirahan ang mag-asawa bago simulan ang pag-uusap.  Kung papaano bubukod ng tirahan at ang iba pang dapat gawin ay mas mabuting ikonsulta ng isa-isa sa munisipyo para makagawa ng kinauukulang hakbang o plano.  Kung mayroon pa kayong ibang katanungan para sa hinaharap ay huwag mahiyang tumawag sa amin sa Counseling Center for Women (CCW).

Free dial: 0120-123-397

Tagalog: Lunes, Martes, Huwebes

Oras: 10:00 ~ 17:00