Ulam sa Obento (Baon)

1.   Vegetable Meat Rolls

nikumaki5.jpg

Sahog.  Baboy  (manipis ang hiwa), carrots, beans, shiso leaves

Panimpla 1.  Asin, paminta

               2.  Mirin (rice wine), soy sauce (toyo), wine, asukal, starch

Variation :  Maaring gumamit ng ibang gulay gaya ng ,  kombinasyon ng  talong at green bell pepper (pahiran ng miso paste ang baboy bago balutin).

Paraan ng Pagluluto:

Lagyan ng asin at paminta ang baboy

Gulay -  ilaga ang beans at carrots .

Ilatag ang baboy at shiso leaves at idagdag ang nilagang gulay saka balutin ito.

nikumaki0.jpg

Pagkatapos ay siguraduhin na pagulungin ito sa starch.

nikumaki1.jpg

Lagyan ng konting mantika ang kawali at iprito ang rolls sa mahinang apoy

Pag nagkulay brown na ang karne saka ilagay ang panimpla number 2.

nikumaki2.jpg

Kapag isinalansan ito sa lunch box ay hiwain ito ng pahalang at kung may sariwang lettuce/green leaves, mini tomato ay mas mainam at healthy.

Masarap ito kahit malamig na at mainam na pang obento at pang ulam din.

nikumaki3.jpg

 2.  Ginisang Carrots sa Sesame Oil

nikumaki4.jpg

Sahog:  Carrots

Panimpla :  Sesame oil, asin, paminta, sesame seeds

Paraan ng Pagluluto:

Gamitin ang peeler na pang slice sa carrots.

Lagyan ng sesame oil ang kawali at igisa sa mahinang apoy.

Kapag malambot na ang carrots, timplahan ng asin at paminta.

Kapag naluto na ay budburan ng sesame seeds.

ninjin0.jpg

Mas masarap ang lasa ng carrots kapag peeler ang gamit na panghiwa. Hindi rin agad ito mapapanis at madaling igisa. Kung walang sesame oil ay maari din gumamit ng olive oil. Hindi nangangailan ng mahabang oras na preparasyon at madaling lutuin.

Sagana ang carrots sa Vitamin A na mainam sa pagod na mga mata.  Hindi rin nawawala ang sustansiya nito kung igigisa kesa ilalaga ng lubog sa tubig.

Simple Advice ngayon Summer:

  -  Hindi agad mapapanis ang kanin kung lalagyan ito ng omeboshi sa ibabaw.

  -  Bago ilagay ang pagkain sa lunch box ay basain ang kitchen paper ng konting suka at pahiran ang lunch box upang tumagal ang obento.

  -  Palamigin muna ang pagkain bago isarado ang lunch box.

  -  Mas mainam rin kung may frozen o pinalamig na fruits jelly na idadagdag sa gilid ng obento at masarap din itong himagas ng bata.

obento000.jpg

obento00.jpg