Ulam sa Obento - 2

Steamed na Manok at Gulay

1.  Sahog :    Manok (laman), carrots, beans

2.  Panimpla:  Asin, paminta, sesame oil, osake (wine na ginagamit sa pagluluto)

mushimaki0.jpg

3.  Paraan ng Pagluluto : 

Tusukin ng tinidor ang laman (kabilaan) ng manok. Timplahan ng asin, paminta (ayon sa iyong panlasa) at pagkatapos ay pahiran ng sesame oil ang magkabilang laman ng manok.

mushimaki1.jpg

4.  Ilatag ito at saka idagdag na pahilera ang beans, higpitan ang pagbabalot.

mushimaki2.jpg

5.  Upang hindi masira ang porma ay gamitan ng makapal na sinulid ang pagbabalot nito.

mushimaki3.jpg

6.  Balutin ito sa foil, isara ang magkabilang dulo at pagkatapos ay ihilera sa steamer at iluto sa mahinang apoy sa loob ng 20-30 minuto.

mushimaki4.jpg

7.  Hanguin ito at ihilera sa malaking pinggan.  Palamigin muna ito bago hiwain upang hindi masira ang hugis.

Renkon (Lotus Root) Salad 

mushimaki5.jpg

1.  Sahog:  Renkon, kikurage (dried mushroom),coriander . Kung gusto na medyo maanghang ay maaring gumamit ng pinatuyong sili, hiwain ito at iprito ng konti sa salad oil, subalit pag-ingatan na masunog ito.

2.  Panimpla :  Asin, paminta, suka, sesame oil

3.  Paraan ng Pagluluto:

    - Balatan ang renkon at hiwain, ibabad sa tubig na may suka (upang hindi magbago ang kulay nito).

    -  Hugasan ang ibinabad na renkon at pakuluin kasama ng kikurage.  Tangalin sa tubig gamit ang strainer.  Pagkatapos ay timplahan ng panimpla na nakasulat sa number 2.  Iayos sa pingan gaya ng nasa larawan.

Korean Style Norimaki

mushimaki6.jpg

Sahog:  Pipino, carrots, takuan (Japanese pickles),nori, spam

Paraan ng Pagluluto:

-  Lagyan ng konting sesame oil ang bagong lutong kanin.

-  Hiwain ang carrots ng manipis at igisa sa sesame oil.

   Timplahan ng asin at paminta (ayon sa panlasa).

-  Kapag lumamig na ang kanin ay balutin ito sa nori kasama ng gusto mong

   sahog na nakasulat sa itaas.

mushimaki7.jpg