HAMBURGER

Sangkap: 

Giniling na karne ng baka at baboy   -  300 grams

Sibuyas  - 1/2 ng medium size

Bread crums ,  Itlog - 1

 Asin, Paminta at konting Nutmeg

Paraan Ng Pagluluto

Hiwain ang sibuyas ng maliliit at igisa sa mantika hanggang magbago ang kulay at maluto.

hanburger01.jpg

Kapag naigisa na at lumamig ay ihalo ang giniling, bread crums, itlog, asin, paminta at nutmeg.

hanburger02.jpg

Hubugin gaya ng nasa larawan at magkabilaan iprito sa mantika.

hanburger03.jpg

Kapag naiprito na ay baligtarin, takpan at hayaan ito sa mahinang apoy hanggang maluto ng mabuti.

hanburger04.jpg

Hanguin ito at gumawa ng sauce sa pinag prituhan ng hamburger.

Paghaluin ang bulldog sauce, ketchup, butter, wine or osake na pangluto.

hanburger05.jpg

Kapag nagawa na ang sauce ay ipatong sa hamburger

Masarap ito kahit lumamig na at mainam na ulam para sa obento.

hanburger06.jpg

Maari din ito ihain kasama ang pritong patatas o kalabasa.

hamburger07.jpg